Saturday, July 30, 2016

Ang Kulturang Iluko sa Pilosopiyang BayanAng pag-aaral sa panitikang Iluko ay hindi lamang isang pag-aaral sa kasaysayan nitokundi pati na rin ang pag-unlad ng kulturang Iluko. Ang panitikan ay tinitignan bilangisang dokumentong panlipunan dahil hindi ito isang uri ng sining lamang kundi ayon kayRichard G. Moulton ay isang kombinasyon ng sining at pilosopiya. Marami ang nakasulattungkol sa mga Ilokano nguni't iilan lamang ang nakakaintindi sa kanila. Upang lubusannatin maunawaan ang panitikan ng mga Iluko, bigyan natin ng pansin ang iilang aspeto ngkanilang kultura.Halos lahat ng panitikan ng mga Ilokano ay "nadumihan" na ng mga Kastila at nilagyan ngmga Kristiyanong isipan. Upang makamit ng isang bansa ang sarili nilang identidad,kinakailangan ipahayag ng mga indibidwal na tribu ang kaninilang mga identidad. Untiunting nawawala ang identidad ng mga pre-kolonyal na Ilokano. Dahil sinunog ng mgaKastila ang lahat ng nakasulat na panitikan, ang pasalitang tradisyon na lamang angnagsasagip sa tunay na panitikang Ilokano.Mayaman ang kultura ng mga Iluko na nagpapaalaala sa panahong kolonyal. Ang mgailokano ay mapamaraan at masipag. Sila ay elastiko dulot ng kanilang lokasyon at sasukdulang panahon na kanilang dinadanas. Mahilig sila mag-ipon na minsan ay tinitignanng mga hindi ilokano na pagiging kuripot. Ang mga Ilokano ay mayroon malawak na paniniwala at ugali na kanyang ginagamit sa pakikitungo. Sa pisikal na kaanyuan, halongMalay at Mongoloid ang Ilokano. Maraming mga pre-kolonyal na paniniwala ang pinanatili ng mga Ilokano. Sa kabuuan, ang mga Ilokano ay taimtim na relihiyoso,masiglang manggagawa, at mahusay na mandirigma. Parating dala ng Ilokano ang kanyangIlokanong tauhan - kapayakan, kababaang-loob, relihiyoso, katipiran, at ang kanyangindustriya.Sa kanyang libro, sinabi ni Fernando LeaƱo na ang Ilokano ay mahinahon atkombensiyunal. Sa kanyang interpretasyon ng buhay, kanyang tinitignan ang halaga.Tinatago ng Ilokano ang kanyang mga damdamin at emosiyon. Ang Ilokano ay sumulongmula sa ekonomiyang batas na magaralgal.Nag-iisip siya habang siya'y nagtratrabaho. Siyaay nasa kanyang pinakamagalin na anyo kapag masikip ang sitwasyon at kinakailanganmag-isip ng mabilis. Malinaw ang kanyang pag-iisip kapag may ginagawa. Subalit walasiyang kwenta sa mga oras na malaya. Ang mga bayaning Ilokano ay mga tao ng aksiyon atmga mabilis mag-isip tulad nina Luna, Aglipay, Ricarte, at Silang. Ang lihim ng kanyangtagumpay ay ang kanyang tiyaga, pagtitiis at ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang mgagawain. Ang kanyang kaunlaran ay hindi kahanga-hanga nguni't ito'y tuloy-tuloy.Mabuti para sa mga Ilokano ang panitikan ng mga Ilokano ay buhay na buhay nanagpapatunay sa kanilang halaga. Sa katunayan, ang mga Ilokanong manunulat ay ang pinakaaktibo sa lahat ng rehiyonal na manunulat. Sa kabila ng lahat, pumapangalawa angmga Ilokano sa paglalathala sa bansa, nauuna ang mga Tagalog.Dinadala ng sinasalitang tradisyon (oral tradition) ang marka ng lipunan lalu na sa panahonng prekolonyal. Ang paksa ng mga ito ay mga pangkaraniwang karanasan ng mga tao sa

No comments:

Post a Comment